HABANG papalapit ang araw ng halalan ay lumalaki ang gastos ng mga kandidato sa 2016 elections.
Ito ang dahilan kaya to the rescue ang isang VIP o Very Important Prisoner na kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP).
Sinabi ng ating Cricket sa Bilibid na malaking halaga rin ang donasyon ng nasabing bilanggo sa kanyang paboritong kandidato na tumatakbo sa isang national position.
Ito raw ang kanyang paraan nang pagtanaw ng utang na loob sa nasabing dating opisyal na kanyang naging BFF sa paglipas ng panahon.
E, paano nga namang hindi magiging magkaibigan ang dalawa, kahit wala silang direktang ugnayan ay protektado ng dating opisyal ang nasabing bilanggo na nasa likod ng ilang ilegal na gawain kahit na nasa loob ng Munti.
Kahit na nakakulong ay nagagawa pa rin ng kriminal na ito ang kanyang ilegal drug trade, kidnapping at pati na rin negosyo ng white slavery.
Lahat ay naging posible dahil sa lakas ng kanyang backer na isang dating opisyal na ngayon ay tumatakbo sa isang mataas na pwesto sa pamahalaan.
Sinabi ng ating Cricket na paunang suporta pa lamang ang kanyang naipadala sa opisyal dahil oras na magsimula na ang eleksyon ay mas marami pa siyang ibibigay dito.
Pero hindi libre ang tulong na ito dahil ang kapalit nito ay ang pagpapa-tuloy ng kanyang mga ilegal na gawain sa loob ng Munti.
Pera ang malinaw na kapalit ng mga proteksyon na tinatanggap ng nasabing maswerteng preso. Ang VIP o Very Important Prisoner na ito ay walang iba kundi si MR. S na sinasabing pinuno ng isang tigasing gang.
Ang kandidato naman na kanyang sinusuportahan ay walang iba kundi si Candidate L….as in Ligaya