Onyok mananalasa sa Mindanao

pagasa
Posibleng mag-land fall ngayong araw ang bagyong Onyok sa Caraga region sa Mindanao kung hindi magbabago ang tinatahak nitong direksyon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay nasa layong 625 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras kaya maaari itong mag landfall sa Caraga region ngayong gabi.
Ang bagyo ay may hanging umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis.
Sa Sabado ng gabi ay nasa kalagitan ito ng Katipunan, Zamboanga del Norte at sa Linggo 750 kilometro sa kanluran ng Zamboanga City.
Lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Lunes.
Kahapon ay itinaas ang public storm signal no.. 1 sa Surigao del Sur kasama ang Siargao Island, Surigao del Norte, Dinagat Province, Misamis Oriental, Camiguin, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, Compostela Valley at Bukidnon.

Read more...