Mga hirit ni Manoy sa Little Nanay laging trending

eddie gutierrez

Bet na bet ng mga netizen ang karakter ni Eddie Garcia sa GMA Telebabad series na Little Nanay starring Kris Bernal, Mark Herras, Gladys Reyes, Juancho Trivino, Keempee de Leon and Superstar Nora Aunor.

Cool na cool kasi ang lolo ninyo at panay pa ang bato ng mga nakakatawang linya. Sabi nga ng mga manonood, wala pa ring kupas ang galing at karisma ni Manoy.

Si Eddie Garcia rin ang na-ging dahilan kung bakit nag-trending ang kanilang episode noong Lunes, Dec. 14. Masaya naman si Manoy dahil kahit na matanda na siya ay nakaka-relate pa rin sa kanya ang batang henerasyon.

Dagdag pa niya, makakaasa ang mga manunuod na mas matutuwa pa sila sa kanyang karakter sa mga susunod pang mga episodes. Samantala, sa ilang buwan na pagsasama-sama nina Mark Herras, Juancho Triviño, Chlaui Malayao at Kris Bernal sa Little Nanay, hindi lamang sila naging sobrang close kundi nagtuturingan na talaga silang isang pamilya.

Madalas silang nagba-bon-ding kapag naka-break sila sa pamamagitan ng pagvi-video ng kanilang kulitan at pagkain nang sabay-sabay. Kaya nga, makikita ang magandang bonding ng mga bida ng Little Nanay sa mga nakakatuwa at nakaka-inspire na eksena nila sa serye.

Read more...