Mula sa +41 noong Setyembre ay bumaba ito sa +32.
Base sa fourth quarter survey ng SWS na isinagawa mula Dis. 5 hanggang 8 sa 1,200 respondents,
58 porsyento ay nagsabing “satisfied” sila kay Aquino, 16 posyento ay “undecided” habang 26 porsyento at “dissatified.”
Pero kahit pa mala-king puntos ang ibinaba ng rating, kinukonsidera pa rin itong “good” ng SWS.
Sa Luzon, halos kalahati ang ibinagsak ng net satisfaction rating ni Aquino, na mula +46 noong Setyembre ay nasa +23 ngayong buwan.
Bumaba rin ng walong puntos ang ratings niya sa Mindanao, na mula +39 ay +31 na lang.
MOST READ
LATEST STORIES