Mga bagong tren ng MRT aarangkada na sa Pebrero
Sa Pebrero ay tatakbo na ang mga bagong tren ng Metro Rail Transit Line 3, ayon sa Department of Transportation and Communication.
Sa pagdinig ng House committee transportation, sinabi ni DOTC Usec. Juanito Bucayan Jr. na darating ang 48 bagong tren sa 23 o 24 ng buwan.
Daraan pa umano ito sa Bureau of Customs at kapag lumabas ay bubuuhin na ito.
“Once it is fully assembled, the cars will be tested for safety, so we will run several thousands of kilometers during the off-revenue period of the MRT, and then once these are cleared, we also expect to have another two cars arriving sometime February. So by February, we will already have tested for safety, and then we expect to have one full train operational by February,” ani Bucayan.
Sinabi ni Bucayan na mas luluwag na ang mga tren kapag nadagdagan na ang bilang ng mga biyahe.
Matatapos umano ang pagdating ng 48 bagong tren sa katapusan ng 2016 o unang bahagi ng 2017.
Umaabot sa 400,000 ang pasaherong sumasakay sa MRT kada araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.