Denise napaiyak nang manalo sa YFSF: Hindi ko po in-expect!

DENISE LAUREL BILANG BEYONCE

DENISE LAUREL BILANG BEYONCE

ITINANGHAL na grand winner sa Your Face Sounds Familiar Season 2 si Denise Laurel ma-tapos itong magpakitang-gilas bilang si Beyonce sa huling pasabog ng reality talent show ng ABS-CBN.

Si Denise ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto matapos ang kanilang final performance na ginanap sa Newport Performing Arts Theater nitong weekend. Umabot sa 27.51 percent ang nakuhang text votes ng aktres matapos niyang gayahin si Beyonce with the songs “Love On Top” at “Crazy In Love”.

Tinanggap ni Denise ang P2 million cash prize, ang kalahati nito ay ibibigay niya sa Caritas Manila, ang kanyang chosen charity, “I just want to say thank you to our Lord, who loves all of us so much. Without Him, we are nothing,” ani Denise.

Mas naging emosyonal pa ang Kapamilya actress nang i-dedicate niya ang kanyang pagkapanalo sa kanyang anak na si Alejandro, “I wanted to show him hard work and perseverance. Kahit anong mangyari, try and try until you die talaga. I don’t know what’s happening. I’m just happy that he’s here right now. I didn’t expect it at all.”

Niyakap din niya ang kanyang fiance at basketball player na si Sol Mercado nang lapitan siya nito sa stage.

Pumangalawa naman sa pataasan ng boto si Michael Pangilinan with 23.87 percent kung saan ginaya naman niya si Adam Levine, ang vocalist ng Maroon 5.

Nasa ikatlong pwesto naman si Sam Concepcion na nakakuha ng 20.57 percent ng boto sa kanyang pag-impersonate kay Justin Bieber. Pang-apat naman si KZ Tandingan na gumaya kay Lady Gaga, at panglima si Kean Cipriano with his performance as Ricky Martin.

Read more...