PINATAY ng mister ang kanyang misis sa pamamagitan ng paglalaro ng Russian roulette ganap na alas-8 kagabi sa Binalonan, Pangasinan.
Nasawi si Merilyn Romero, 27, matapos namang itutok ng kanyang asawang si Jeffrey, 31, ang isang .38 caliber pistol sa kanyang ulo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sta. Catalina, ayon sa pulisya.
Isang iligal na laro ang Russian roulette.
Sinabi ng pulisya na lasing na dumating ang suspek na sa kanilang bahay noong Linggo ng gabi.
Inilabas ni Jeffrey ang kanyang baril at nilagyan ng isang bala at itinutok sa kanyang ulo, bagamat hindi pumutok.
Hindi naman malinaw kung bakit itinutok ni Jeffrey ang kanyang baril sa kanyang misis.
Agad namang naaresto ang suspek na isang tricycle driver.
MOST READ
LATEST STORIES