PARANG dalaga pa rin si Mariel Rodriguez nu’ng makatsikahan namin sa Wil Time Bigtime ng TV5.
Hindi pa rin nagbago ang hubog ng kanyang katawan.
Obviously, happy si Mariel sa piling ng kanyang mister na si Robin Padilla
Consistent pa rin si Mariel sa sagot niya kung gusto na niyang magka-baby sila ni Robin.
Wala pa ring plano pareho ang mag-asawa na magkaanak.
Mukhang hanggang ngayon ay nasa honeymoon stage pa rin sina Robin at Mariel.
Mismong si Robin na rin kasi ang nagsabi na hindi pa sila nagsasawa ni Mariel na silang dalawa lang ang magkasama.
Hindi man aminin, mukhang natatakot nga si Binoe na mahati ang atensiyon ng asawa sa kanya at sa magiging anak nila. May nagsasabi naman na baka raw natatakot si Robin na mawala ang kaseksihan ni Mariel kapag nabuntis at nanganak ito.
Kuntento naman na si Mariel sa pagko-co-host sa programa ni Willie Revillame.
Hindi pwedeng umabsent si Mariel sa Wil Time Bigtime.
Siya lang naman kasi ang maituturing na “beterana” sa larangan ng pagho-host kumpara sa iba nilang kasama sa show.