TWO-one ang iskor sa Senate Electoral Tribunal at Commission on Elections na nagsuri sa kwalipikasyon ni Grace Poe para sa mga posis-yong Senador noong 2013 elections at kandidatura niya sa pagkapa-ngulo sa Mayo 2016. Nanalo sa SET sa pagiging “natural born” sa botong 5-4, talo naman siya sa Comelec 2nd Division 3-0 at Comelec 1st Division 2-1. Meron pang Comelec en banc na may pitong miyembro pero, halos balewala na ito dahil limang commissioners na mayorya ang bumoto na laban kay Poe. Kaya naman ang susunod at pinal na laban niya ay sa Korte Suprema. Doon, 15 ang mahistrado, tatlo rito – sina Associate Justice Antonio Carpio, Arturo Brion at Teresita De Castro ay “abstained” na dahil bumoto sa SET. Dalawang associate justice naman ang sinasabing maka-Duterte at pinapag-a-abstain din – sina Bienvenido Reyes at Jose Mendoza. Ibig sabihin, sa worst case scenario, 10 mahistrado na lang ang magpapasya sa dalawang bagay, ang natural born at residency requirements ni Poe. Nakataya rin dito ang kanyang posisyon bilang topnotcher senador noong May 2013 elections kung saan malaki ang posibilidad na matanggal siya kung mapatunayang hindi siya “natural born” kundi “naturalized.” Si Associate Justice Marvic Leonen ang hinirang na “ponente” ng Korte Suprema sa kasong ito. Kung iisa-isahin ang komposisyon ng Korte ngayon, 10 ang appointees ni dating Pa-ngulong Gloria Arroyo at lima ang appointees ni Aquino. Kung ibabawas mo ang naunang tatlong mahistrado na nag-aabstain, ang natitirang labindalawang mahistrado, ay merong 7 PGMA appointees at 5 PNoy appointees. Kung mapwersang mag-abstain (na sa tingin ko ay malabong mangyari) ang dalawang “ka-brod” ni Duterte na sina Reyes (PNoy) at Mendoza (GMA), ang natitirang 10 ay merong iskor na 6 PGMA at 4 PNoy appointees. Sila ay sina Maria Lourdes Sereno (PNoy), Estela Perlas-Bernabe (PNoy), Francis Jardeleza (PNoy), Marvic Leonen (PNoy), Mariano Del Castillo (GMA), Lucas Bersamin (GMA), Martin Villarama Jr. (GMA), Presbitero Velasco (GMA), Jose Perez (GMA) at Diosdado Pe-ralta (GMA). Ang tatlong mahistrado na bumoto sa SET laban kay Poe ay pawang mga GMA appointee at nag-inhibit na sa kaso. Maraming legal experts ang nagsasabing kailangan ng panibagong ebidensya ni Poe para mabaligtad ang mga desisyon. Ika nga, halos milagro ang kailangan para makumbinsi ang mga mahistrado na siya ay “natural born” at may sapat na “residency requirements.” Kahit mag-positive pa sa DNA iyung nagpakilalang “half sister” sa Guimaras, problema pa rin ang residency requirement. Mistulang nakakapit na lang ngayon sa lubid si Grace Poe dahil kapag nagkataon sabay-sabay na mawawala sa kanya ang kanyang pagiging senador at ang kanyang COC sa pagkapangulo. Sa desisyon ng Co-melec 1st division, “naturalized” si Poe (pareho sa SET) at ang residency ay magsisimula lamang sa July 7, 2006 o kulang siya ng dalawang buwan sa 10-year requirement. Kung ako ang tatanungin, walang dudang Pilipino si Poe pero, detalyadong kwalipikasyon ang hinihingi ng Saligang Batas para sa posisyon ng presidente. At kung hindi ka kwalipikado, sorry.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
