Kahit ayaw lagyan ng label ang kanilang relasyon, diretsong sinabi ni Carla Abellana na ideal partner ang rumored boyfriend niyang si Tom Rodriguez.
Sa presscon ng ATC Healthcare Vit-E na bagong endorsement ni Carla inamin nitong na kay Tom na halos ang lahat ng qualities na hinahanap niya sa isang lalaki.
“Defintely naman (ideal partner) kasi makikita mo naman yung qualities as a person sa paraan niya sa pagtatrabaho, kung paano siya off-cam, how he deals with problems, yung mga ganu’n.
So makikita mo naman yun and mage-gauge mo more or less kung okay siya to have as a partner in life. Oo naman nakikita ko yun sa kanya,” chika ni Carla.
Dito rin inamin ni Carla na sa kabila ng mga challenge na hinarap niya sa taong 2015 ay naging blessed pa rin siya lalo na sa huling bahagi ng taon. “Napakahirap nu’ng umpisa.
Nag-start ang 2015 na napakahirap talaga, ang daming struggles personally. Work wise okay naman eh pero yung personal medyo mahirap. “Pero at least before the year ends nakabawi naman ng bongga, ang daming blessings na pumasok.
So at least you’re ending the year on a good note talaga. Buti na lang kumbaga nabaliktad,” chika pa ni Carla na pumayat na rin ngayon kaya sakto ang pag-launch sa kanya bilang bagong celebrity endorser ng ATC Healthcare Vit-E.
Naikuwento rin ng Kapuso actress na dahil sa ATC ay nagkaroon siya ng opportunity para makatrabaho ang international fashion photographer na si Nigel Barker. “Working with Mr. Nigel Barker free flowing lang siya, anything goes.
In fact. he just wants you to move naturally and siya na lang yung bahalang kukuha. Wala siyang sinusundan na peg or layout. Anything goes tapos mabilis siya, galaw lang siya ng galaw.
“Tapos pag may nakita na siyang magandang anggulo, happy na siya doon tapos move on na kayo. Being in front of Nigel Barker and his camera you feel so blessed tapos siyempre nakakakilig,” sey pa ni Carla.
Ayon kay Carla hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang offer ng ATC para iendorso ang Vit-E dahil talagang ginagamit niya ito, “Kasi, di ba puyat kami lagi sa shooting, laging heavy make up pag nasa harap ng camera, malaki ang effect nu’n sa skin so I would recommend this Vit-E sa kapwa ko artista kasi it’s good for your skin at sa health din po.
Honestly, kailangan po namin talagang mga artista ang ganitong supplement.” Samantala, nang tanungin kung may regalo na siya para kay Tom sa darating na Pasko, “Wala pa akong gift so far pero we’ll see kung ano. Pero definitely meron yan. Definitely makakakuha siya ng gift from me.”