Gerald mas nahirapang gumanap na Bading sa MMK kesa sa Budoy

By Ervin Santiago December 12,2015
share this

Gerald mas nahirapang gumanap na Bading sa MMK kesa sa Budoy

By Ervin Santiago December 12,2015
share this

gerald anderson

MAS nahirapan at mas na-challenge si Gerald Anderson sa pagganap na bading sa Maalaala Mo Kaya kesa sa role niya noon sa seryeng Budoy.

Sa kauna-unahang pagkakataon gaganap na beki ang Kapamilya hunk actor sa isang espesyal na episode ng MMK na mapapanood na ngayong gabi. He will portray the character of Bert Mendoza, isang 33-year-old elementary school teacher na may “rare genetic disorder” na tinatawag na X-linked Dystonia Parkinsonism.

Ayon kay Gerald sa ginanap na pocket presscon ng MMK na ibinigay sa kanya ng Star Creatives, ang XDP o mas kilala sa tawag na Lubag Syndrome, ay kadalasang kumakapit sa mga lalaking may edad 30 pataas.

“A person who has XDP may experience slurring, involuntary muscle movements and even contractions,” paglalarawan ng aktor. Hindi rin daw agad nadi-detect ang sakit na ito.

“Mas mahirap ito kay Budoy kaya mas challenging para sa akin, kakaiba yung sakit niya tapos gay pa siya. Mahirap ‘yong pagiging bading, mahirap rin pong magsalita, tapos may mga mannerism pa siya,” kuwento ni Gerald.

Nang i-offer sa kanya ang nasabing MMK episode hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin kahit nga bading ang magiging role niya, “Dream role ko kasi yun. Hindi ko lang in-expect na may ganoong challenge pang kasama, na may XDP pang kasama sa first gay role ko.”

Ayon kay Gerald, napakalaki ng respeto niya sa mga bading, lalo na yung nagsisikap para sa kanyang pamilya. Marami rin siyang ka-close na members ng LGBT community.

“For me, saludo ako sa mga gays, lalo na yung halos nagpapakamatay na sa pagtatrabaho for their families. And very proud sila. Siguro dahil sa discrimination na pinagdaanan nila. Gays are the most creative people, kasi they have the best of both worlds,” chika pa ni Gerald.

“Like si Bert, ang dami na niyang natulungang mga tao but because of his illness hindi na niya magawa ‘yung pagtulong niya sa mga bata,” sey ng binata na personal pang na-meet si Bert.

“Nangilabot ako kasi grabe ‘yung mga pinagdaanan niya pero sinabi niya sa akin na, ‘I’m going to stay positive. I’m going to pray to God every day.’ Lagi siyang nagbabasa ng Bible.

To think na ganun ang situation niya, grabe pa rin siya ka-motivated para malagpasan ang sakit na iyon para makabalik sa school para makapagturo ulit sa mga bata,” sabi pa ni Gerald sa panayam ng ABS.

Kasama rin sa napakaespesyal na MMK episode na ito ngayong gabi sina Snooky Serna, Raikko Mateo, Kyle Banzon, EJ Jallorina, Veyda Inoval, Karla Cruz, Dale Badillio, Angelo Ilagan, Ronalissa Cheng, Trina Legaspi, Ellaine Quemel at Lui Manansala, sa direksyon ni Nuel Naval, at sa panulat ni Benson Logronio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending