BF ang wish ngayong Pasko (2) | Bandera

BF ang wish ngayong Pasko (2)

Joseph Greenfield |December 12,2015
facebook
share this

BF ang wish ngayong Pasko (2)

Joseph Greenfield - December 12, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jhen  ng San Agustin, Digos, Davao del Sur
Problema:
1. Isang beses palang akong nagkaka-boyfriend pero hindi seryoso kaya wala pang isang buwan ang rela-syon namin nagka-break din agad kami. Sa ngayon ay magwa-one year na akong walang boyfriend at heto papalapit na naman ang Pasko, kapag nagkataon nito, malungkot na naman ang Disyembre ko.
2. Gusto ko lang malaman Sir Greenfield kung sa palagay nyo ba magkaka-boyfriend pa kaya ako nga-yong pasko upang maging masaya naman ang Christmas ko? December 10, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Jhen ng Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ay nagsasabing susuwertehin ka ngayong Disyembre, na magka-boyfriend ng isang lala-king isinilang sa zodiac sign na Aries at ito ay nakatakdang maganap bago matapos ang buwang ito ng Disyembre.
Numerology:

Ang birth date mo namang 10 ay nagsasabing, isang lalaking isinilang sa petsang 7, 16, o kaya’y 25 ang magiging boyfriend mo. At dahil compatible ang birth date mong 10 at birthdate niyang 7, 16, o kaya’y 25, magiging sweet at matiyas ang suyuang inyong pagsasaluhan.
Luscher Color Test:

Upang mas madaling matupad ang nasabing pag-aanalisa ng iyong kapalaran, mas mainam kung lagi kang mag susuot ng kulay na pampasko – yellow, green at red. Sa ganyang kulay, sigurado na ang magaganap – magaka-boyfriend ka ngayong papalapit na ang pasko, at ang nasabing relasyon ay magiging maligaya at nakaki-kilig.
Graphology:

Ang iyong lagda na simple lang ang pagkakasulat, subalit maganda at kinakitaan ng phallic symbol ang nagsasabing, simpleng-simple ka rin magkaka-roon ng boyfriend sa last month ng taon ding iyo ng 2015, upang ang nasabing ligaya ay magtutuloy-tuloy na hanggang sa susunod na taong 2016.

Huling payo at paalala:

Jhen ayon sa iyong kapalaran, matutupad na rin sa wakas ang malaon mo ng Christmas wish, sa paskong darating isang lalaking may initial na R.B. ang magiging boyfriend mo at ang lalaki na ring ito ang makakasalo mo sa isang maligayang Pasko, sa isang masaganang maligayang Bagong Taon at abot-na abot din hanggang sa sumapit ang Araw ng mga Puso sa taong 2016.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending