Sulat mula kay Jhen ng San Agustin, Digos, Davao del Sur
Dear Sir Greenfield,
Isang beses pa lang akong nagkaka-boyfriend pero hindi seryoso kaya wala pang isang buwan ang relasyon namin nagka-break din agad kami. Sa ngayon ay magwa-one year na akong walang boyfriend at heto papalapit na naman ang Pasko. Kapag nagkataon nito, malungkot na naman ang Disyembre ko. Gusto ko lang malaman, Sir Greenfield, kung sa palagay nyo ba magkaka-boyfriend pa kaya ako ngayong Pasko upang maging masaya naman ang Christmas ko? December 10, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Jhen ng Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kitang-kita ang kaisa-isa at malinaw na Marriage Line (Illustration 1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na sa malapit na hinaharap—maaari isa o dalawang linggo na lang ang lilipas— sigurado ang magaganap. Ito ay habang nag-aamoy simoy-Pasko ang hangin, bigla kang magkaka-boyfriend.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Four of Hearts at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pagpasok na pagpasok ng Simbang Gabi ay isang lalaking nagtataglay ng initial na R.B. ang biglang manliligaw sa iyo. Halos kasing-edad mo rin ang nasabing lalaki na dati mo ng kakilala.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.