MADALING naging komportable sina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado sa set ng “#Walang Fore-ver”, isa sa mga official entry sa dara-ting na 2015 Metro Manila Film Festival under Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films at Buchi Boy Productions.
Sa presscon ng pelikula kamakailan, sinabi ni Echo na mabilis nahuli ng kanilang direktor na si Dan Villegas ang kiliti ng kanilang mga karakter sa look test pa lang. Sa katunayan, sa ilang eksena nila ni Jen sa movie ay talagang may pagkakataon na nagiging speechless siya, “Wala kasi siyempre magandang babae na palabiro na medyo dikit na dikit sa set.”
Chika pa ng Kapamilya leading man, ang personality ni Jen ang talagang nagpapa-stand out sa kanya kung ikukumpara sa mga naging ka-loveteam niya in the past.
“‘Yung natural characteristics niya eh. Not her hair, not her face but her inner being na magaang siya kasama,” sey ni Echo.
Proud na proud ang aktor sa kanilang MMFF entry dahil it’s more than a rom-com movie raw dahil sa kakaibang tema nito with a big twist. Gagampanan ng aktor ang character ni Ethan Isaac na isang
Taiwan-based website developer na mai-in love sa rom-com screenwriter na si Mia Nolasco played by Jennylyn.
Wala ring kaarte-arte sina Jericho at Jennylyn sa kanilang mga halikan at love scene, “Masasabi ko lang na ‘yung love scene namin is napakaganda. Full of love and longing. Ganu’ng klase ng love scene. Hindi ito pang halimawan. Passionate siya,” pagmamalaki ni Jericho.
Hirit pa nito, “Kasi maganda ‘yung part na ‘yun eh, one of the most beautiful parts of the film. Kasi matagal kaming hindi nagkita.”
Showing na sa Dec. 25 ang “#Walang Forever” kung saan makakasama rin sina Lorna Tolentino, Carlo Aquino, Jerald Napoles, Nico Antonio, Pepe Herrera, Kim Molina, Juan Miguel Severo, Sebastian Castro at Cai Cortez.