Ipe muling lalabanan si Daniel sa Bulacan | Bandera

Ipe muling lalabanan si Daniel sa Bulacan

Cristy Fermin - December 11, 2015 - 03:00 AM

PHILIP SALVADOR AT JOSIE DE LA CRUZ

PHILIP SALVADOR AT JOSIE DELA CRUZ

KUMPIRMADO nang tatakbo bilang vice-governor ng lalawigan ng Bulacan si Phillip Salvador.
Makakatuwang niya sa laban ang ilang ulit na naging tagapamuno ng Bulacan na si dating Postmaster General Josie dela Cruz.

Makakabanggaan ni Kuya Ipe ang kapwa niya artistang si VG Daniel Fernando, labanan nga ng mga artista ang magaganap ngayon sa ikalawang mataas na posisyon sa Bulacan, magandang tunggalian ito.

Kung matatandaan, nu’ng 2013 ay tumakbo rin ang magaling na action star bilang vice-governor ng Bulacan, pero ipina-disqualify siya ng kampo ni VG Daniel dahil sa kakulangan ng mga dokumentong makapagpapatunay na taga-Bulacan talaga siya.

Pero ngayon, ayon kay Kuya Ipe, ay wala nang maaaring kumuwestiyon sa kanyang pagkandidato, tuloy na tuloy na ang kanyang laban, makikita na siya ng mga Bulakenyo na palaging nag-iikot sa probinsiya.

Pareho silang artista ng kanyang kalaban sa puwesto, pero sa mundo ng pulitika ay walang kai-kaibigan, kahit sinasabi pa ng marami na isang araw lang naman ang eleksiyon ay siguradong magkakasakitan pa rin sila.

Kahit saan magpunta si Phillip Salvador ay kinukuyog siya ng mga Bulakenyong nakapanood ng mga nakaraan niyang pelikula, talagang pinagkakaguluhan si Kuya Ipe, harinawang maging boto para sa kanya ang masarap na pagtanggap sa kanya ngayon kahit saan siya magpunta.

Sabi ni Kuya Ipe, “Hindi ako pulitiko, ako po ay isang public servant, kung papalarin po ako sa laban na ito ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para makapagserbisyo sa aking mga kababayan sa Bulacan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending