Gusto ng takasan ang kalaguyo (2)

Sulat mula kay Juliet ng Talic, Oroquiteta City, Misamis Occidental

Problema:
1. Sa kasalukuyan ay may kinakasama akong matandang lalaki na may asawa na at pamilya. Sa kabila ng pa-milyado na siya regular pa rin siyang umuuwi sa apartment na kinuha nya para sa akin. Dalawang beses sa isang linggo siya umuuwi dito, kaya kung tutuusin ay para na rin kaming mag-asawa. Ganon paman, lagi pa rin akong nag-aalala at iniisip ko kung magiging panghabang buhay na ba ang ganitong kapalaran ko gayong hindi ko naman pinangarap ang ganitong buhay.
2. Gusto kong magkaroon ng normal na buhay, yong may legal na asawa at pamilyang sarili. Kaya sa ngayon balak ko ng makipagkalas sa kanya, isa pa wala naman kaming anak. Tanong ko lang kung makikipag hiwalay na ba ako sa kanya may lalaki pa kayang mag mamahal sa akin ng tapat at pang habang buhay, na siyang pinapa-ngarap kong mangyari sa a-king kapalaran. October 7, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Juliet ng Misamis
Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing kapag tuluyan na kayong nagkahiwalay ng kalaguyo mong may asawa na, sa susunod na pakikipag-boyfriend siguraduhin mong pumili ng isang lalaking binata na may zodiac sign na Gemini o kaya’y Aquarius upang matiyak ang isang masaya at pang habang buhay na pag-asawa.
Numerology:

Ang birthdae mong 7 ang nagsasabing kung maghahanap ka ng isang binatang lalaki na papakasalan ka at makakasama mo ng pang habang buhay, isa alang-alang silang may birthdate na 2, 11, 20 at 29, sila ang mga lalaking ka compatible mo na magpapaligaya sa iyo.
Luscher Color Test:

Upang lalong maging masuwerte ang papasukin mong legal na pag-asawa siguraduhin mong laging gumamit ng kulay na pula at berde sa araw ng iyong kasal at sa loob ng inyong bahay, upang lalo pang pagpalain ng tadhana ang inyong samahan at pang habang buhay na pagmamahalan.
Huling payo at paalala:

Juliet ayon sa iyong kapalaran hindi na magtatagal ang relasyon ninyo ng kasalukuyan mong kalaguyo na may asawa at pamilya na pala. Tama ang nasasagap ng unconscious mong isipan sa ngayon, kung saan, sa sandaling nakipagkalas ka sa lalaking kinakasama mo sa ngayon, tiyak ang magaanap sa 2017 sa edad mong 26 pataas may isang legal at normal na pagaasawang magaganap sa iyong kapalaran hatid ng isang lalaking may initial na J.Y. at ang legal at normal na pag-aasawang ito ay hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Read more...