GOV. VILMA kontra sa kasalang LUIS-JENNYLYN?

MAHIRAP paniwalaan ang kumakalat na chismis na nagpakasal na sa ibang bansa sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.

Unang-una, maraming papeles ang dapat asikasuhin.

Pangalawa, parang hindi naman puwedeng hindi invited ang madir ni Luis na si Gov. Vilma Santos.

Sabi nga ng isang nag-comment, hindi pupuwedeng dali-daling magpakasal ang young couple sa Dubai where they had their vacation.

Marami silang kinakailangang asikasuhing papeles.

O, baka  may naganap ngang kasalan sa Hong Kong where Vilma and her family went on a vacation recently.

Anyway, ang kumakalat na tsismis ay napilitan daw si Luis na pakasalan ang dalaga dahil na rin sa pangungulit nito.

Actually, wala pa naman daw talagang balak si Luis na lumagay sa tahimik, kaya lang ay mapilit daw si Jennylyn. Naku, true nga ba itetch?

At tama rin ba ang narinig naming chika na hindi naman pala totally pabor si ate Vi kay Jennylyn?

Na she’s just putting up a happy front kapag nasa camera dahil alam naman niyang super in love ang kanyang anak sa singer-actress?

Read more...