Jericho kay Jennylyn: Totoo, natatameme ako sa kanya!

jericho rosales

Nakakatawa pala ang eksena kung paanong nagkaroon ng ice breaker between Jennylyn Mercado and Jericho Rosales na bida sa “#Walang Forever” na isa rin sa entries sa Metro Manila Film Festival.

“Meron kaming screen test para lang makita ang chemistry namin. Nagharap pa lang kami ay nagsisigawan na sila sa mo-nitor, ‘yung director, ‘yung staff. ‘O, sige, sabi ng director, ‘tanggalin mo ang salamin niya tapos hawakan mo ang tattoo niya sa leeg.

Nu’ng tinanggal ko ang salamin niya, gumano’n siya sa akin, ‘ano, ang ganda ko ‘no?’ Natameme ako sa kanya. Ho-nestly, may mga moment na natatameme ako sa kanya,” pag-amin ni Echo.

While shooting, maraming na-discover si Echo sa kanyang leading lady na first time niyang nakasama sa movie. “Maganda siyang babaeng palabiro. Magbabarkada na sila sa buong set so ako ang baguhan.

Magkakasama na sila ni direk Dan (Villegas), nanalo na sila (ng mga award for last year’s MMFF entry English Only Please) so ako ‘yung baguhan. Alam mo ‘yun, nahihiya ako.”

Showing na rin ang “#Walang Forever” sa Dec. 25 under Quantum Films.

Read more...