It was obvious na masaya ang Pasko ni Pokwang. “Yes. Masaya naman ang mga nakaraan kong Pasko pero mas masaya ako ngayon. At saka meron na akong kasamang magsi-Simbang Gabi,” say ng komedyante sa presscon ng 2015 MMFF entry na “All You Need Is Pag-ibig” kung saan tampok sina Jodi Sta. Maria, Ian Ve-neracion, Kim Chiu, Xian Lim, Derek Ramsay at Kris Aquino.
When Pokwang flashed her ring finger sa mga reporter ay naloka ang media. Para kasing engagement ring ang da-ting ng kanyang singsing. When asked kung nag-propose na ang kanyang foreigner na boyfriend, Pokwang said, “Wala pa. dara-ting tayo diyan.”
“Wala, katutubos ko lang (ng singsing). Wala pa nga. Eto naman, kayo naman. Kaya ko namang bumili kahit paano. SM lang ‘to, eh,” pagbibiro niya.“Masaya ang Pasko ko.
‘Yung Pasko naman dapat talagang laging masaya kasi ‘yun ang kapanganakan ng ating Savior. Dapat lagi lang tayong thankful, ‘di ba, kung anong meron tayo,” pag-amin ni Pokwang.
