Darren Espanto itatambal kay Sofia Andres: Tumayo ang balahibo ko! Bandera

Darren Espanto itatambal kay Sofia Andres: Tumayo ang balahibo ko!

Jobert Sucaldito |December 10,2015
share this

Darren Espanto itatambal kay Sofia Andres: Tumayo ang balahibo ko!

Jobert Sucaldito December 10, 2015 - 02:00 AM

darren espanto

TOTOO ba ito? Ipinakita kasi sa akin ng partner ko sa DZMM’s “Mismo” na si Papa Ahwel Paz ang picture at video ng bagong bi-nubuong loveteam daw sa showbiz na sina Sofia Andres at Darren Espanto – medyo nanayo ang balahibo ko.

Ewan ko ba kung bakit. Baka siguro hindi ko lang ma-imagine na ang isang belter like Darren will have a showbiz partner. Ang nakikita ko kasi sa young singer natin ay in the tradition of Jed Madela na mahusay na singer at walang girl na inili-link. Yung ganoon.

Hoy! Huwag ninyo namang lagyan ng malisya. I don’t mean that he is gay (hindi naman beki si Jed, di ba?), ang tinutukoy ko lang naman ay parehong mataas ang boses nila at parang naiilang lang ako seeing or knowing of someone na mas mataas pa ang boses sa babae sa pagkanta pero merong showbiz girl.

Ganoon lang kababaw ang takbo ng isipan ko ngayon.  Kayo talaga, nilagyan ninyo kaagad ng ibang meaning ang sinasabi ko. Medyo malamya lang siguro si Darren nu’ng bata-bata pa siya pero hindi naman siguro gay si bagets.

Nasa awkward stage lang kasi siya kaya hindi siya keen on gender issues. Mas gusto ko si Darren without a loveteam. Parang hindi lang bagay. Si Sofia okay lang.

Puwede siyang hanapan ng isang cutie boy para maging kapareha – yung mga tipo ni Bailey – yung artistahin talaga. Si Darren kasi ay singer lang ang tingin ko at hindi pang-artista.

Guwapo naman si Darren pero parang alangan sa beautiful face ni Sofia. Pero kung buo na ang loveteam na ito, so be it. Suportahan na lang natin. Malamang na dadaanin ni Darren ang lahat ng panliligaw sa birit.

Sana nga lang ay makarinig naman ako sa kaniya ng male songs pag kinantahan niya si Sofia. Hindi ko ma-imagine na kakantahan niya ang dalaga ng mga kanta ni Mariah Carey.

Mag-John Legend naman sana siya. Ha-hahaha! May point naman ako, di ba? Kasi sinanay nila ang batang kumanta ng mga birit songs ng girls. Kaloka!

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending