3 nalason sa chocholate drink

zamboanga city
Tatlo katao, kabilang ang dalawang bata, ang naospital matapos diumanong malason sa ininom na kilalang chocolate drink, sa Zamboanga City, ayon sa pulisya.

Dinala ang tatlo, na edad 2, 4, at 46, sa Sanitariun Hospital matapos dumanas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at pagtatae, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police.

Nalaman ng mga awtoridad ang insidente nang iulat ng lolo ng mga bata sa Zamboanga City Police Station 4 (Culianan) nitong Martes, isang araw matapos maospital ang mga biktima.

Lumabas sa imbestigasyon na uminom ang mga biktima ng Selecta Moo dakong alas-2:30 ng hapon Lunes, matapos bumili ng naturang chocolate drink sa isang grocery.

Dumanas sila umano ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at pagtatae isang oras matapos inumin ang chocolate drink.

Ipinaalam na ng lokal na pulisya sa City Health Office ang insidente at nagsumite ng mga sample ng chocolate drink para ipasuri.

Read more...