Duterte-GMA groups magsasama
Ikinatuwa ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang pahayag ng presidential aspirant na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaugnay ng posibleng partnership ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan at Lakas-Christian Muslim Democrats.
Sinabi ni Romualdez na mas maitataguyod ng dalawang partido ang pagmamalasakit sa publiko kung sila ay magsasanib-puwersa.
Ang PDP-Laban ay pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel samantalang ang Lakas-CMD naman ay ang partido ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.
“The looming alliance will be anchored on principles and platforms to further promote malasakit and champion people’s interest. We are not after political convenience,” ani Romualdez na tumatakbo sa pagkasenador.
Nauna ng inendorso ni Duterte si Romualdez. Siya ay inendorso rin ni Vice President Jejomar Binay.
“I am one with Mayor Duterte in pushing transparency and accountability in public service that will truly cares and genuinely serves the poorest of the poor. Ibabalik po natin ang malasakit sa serbisyo publiko at pagsusulong ng disiplina sa pagsunod sa mga batas upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. These are my commitments to him (Duterte) and Filipino people,” ani Romualdez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.