PNoy nakiusap sa mga mambabatas na ipasa ang BBL

pnoy1
Nakiusap si Pangulong Aquino sa mga kongresista na ituloy ang deliberasyon sa panukalang Bangsamoro Basic Law, sa huling apat na araw ng sesyon ng Kongreso bago ang Christmas break.
Tinatayang 160 kongresista ang dumalo sa ipinatawag na luncheon meeting sa Malacanang kahapon. Kasamang dumalo ang mga lider ng Kamara na sina Speaker Feliciano Belmonte Jr at House Majority Leader Neptali Gonzales II.
Tumagal ng 40 minuto ang pagpupulong kung saan sinabi ni Aquino na ngayon ang ‘great chance’ para maipasa ang panukala.
Naging problema ng Kamara ang kawalan ng quorum sa mga nagdaang sesyon nito dahil abala na ang mga mambabatas sa nalalapit na halalan. Sa Disyembre 16 ang huling sesyon ng Kongreso.
Sinabi naman ni Davao City Rep. Karlo Nograles na ang sentimyento ng kanyang mga kasamahan ay hindi na maipapasa ang BBL.
Bukod sa kulang na sa oras, sinabi ni Nograles na maraming mambabatas ang hindi pabor sa mga probisyon ng BBL

Read more...