Alden disiplinado, walang bisyo kaya inuulan ng blessing; wag magbabago

yaya cdub

Ayon sa isang kaibigang nakakuwentuhan namin na maraming kamag-anak na naninirahan sa pabolosong Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna ay napakaganda ng nabiling bahay du’n ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

“Hindi pa siya du’n umuuwi, pero may mga nagkukuwento na dumadalaw siya habang nire-re-novate ang house na nabili niya. Maganda ang place, very exclusive, ‘yung kailangang privacy ni Alden, makukuha niya ‘yun.

“Bago ka kasi makapasok sa Nuvali, itatawag muna ng mga guards sa gate kung expected mo ang bisitang dumarating. So, hindi ‘yun open sa lahat, hindi ka puwedeng basta pumasok sa subdivision nang hindi alam ng homeowner,” kuwento ng aming kausap.

Napakasuwerte ni Alden dahil sa maagang panahon pa lang mula nang sumikat ang AlDub ay unti-unti na niyang natatanggap ang mga biyayang matagal na panahon na niyang pinapangarap.

Bahay para sa kanyang ama at mga kapatid, maayos na buhay, sasakyang magagamit niya sa trabaho at iba pang mga pangarap na nga-yon ay hindi lang abot-kamay ni Alden kundi hawak na talaga niya.

Iba talaga kapag maganda ang disiplina ng isang personalidad, lalo na kung walang bisyo na tulad ni Alden Richards, talagang mabilis na matutupad ang lahat ng mga pangarap.

Huwag sanang pagbaguhin ng kasikatan at ka-ginhawahan sa buhay ang Pambansang Bae.

Read more...