AGREE si John Lapus sa pasabog ng komedyanang si Cai Cortez na “gifted” ang Kapuso hunk actor na si Tom Rodriguez. Sa isang interview kasi, buong-ningning na inamin ni Cai na may nangyari sa kanila ni Tom pero matagal na raw yun kaya sana huwag magalit sa kanya ang dyowa nitong si Carla Abellana.
Sa presscon ng 2015 MMFF entry ng TV host-comedian na “Buy Now Die Later” ay natanong ito kung ano ang reaksiyon niya sa pag-amin ni Cai na anak ng character actor na si Rez Cortez.
“May nagtanong nga sa akin na parang, kung nangyari ba yun sa pelikula na-ming ‘Here Comes The Bride’ (ipinalabas noong 2010), kasi doon lang daw magkasama si Cai at saka si Tom. Tapos na-realize ko, oo nga!
“Pero sabi ko, hindi ko alam, hindi ko alam! Magkakaiba kami ng kuwarto nu’n. Di ba, parang hindi ko alam, so…hindi ko alam. Ang bongga niya!” chika ni Sweet. Kuwento pa ng komedyante, sila ni Tom ang magkasama sa room noong ga-win naman nila ang pelikulang “Temptation Island” (2011).
Dito raw niya nakita nang harapan si Tom na nakapulang trunks. “Sa harapan ko at ng PA (personal assistant) kong baklang si Nikki, nagpa-practice magsuot ng red underwear ‘yang si Tom Rodriguez.
Kasi nga, parang ito yung the day before na kukunan yung naka-briefs lang siyang palakad-lakad.
“So, parang mawala yung malisya niya, nagsabi naman siya.
Sabi niya sa akin, ‘Ate Sweet, Nikki, okay lang ba, magbi-briefs lang ako habang nagdu-drawing? Para at least, hindi na ako mahiya.’ “Mahilig ‘yang mag-drawing sa iPad, e.
So, sabi ko, ‘Sure!’ Pero yung pagkaka-sure namin, parang walang ma-lisya, di ba? Siyempre mapa-patingin ka. Naglalakad ba namang…” biting chika ni Sweet.
Natanong siya kung totoo ba ang sinabi ni Cai na “malaki” ang kay Tom? “Ay, oo!” nandidilat na sagot ng komedyante. “Dyusko naman, nakita naman ng lahat nu’ng nag-Bench underwear siya, nu’ng rumampa siya,” hirit pa nito.
Hindi rin naniniwala si Sweet na naglagay ng lavacara o padding si Tom nang rumampa ito sa Bench underwear fashion show? “Wala, malaki talaga! Baka nakalimutan nating lahat na ano siya…hindi yata alam ng iba na American ang tatay ni Tom. Mukha lang siyang Pinoy, pero Kano ang kanyang tatay.”