Kampanya pa more, Mr. President

DESPERADONG maipanalo si dating Interior Sec. Mar Roxas sa pre-sidential elections sa susu-nod na taon, siniraan ni Pangulong Aquino sa harap ng mga Pinoy sa Rome ang iba pang kandidato na mas patok kesa sa kanyang manok.
Una niyang binanatan si Vice President Jejomar Binay na aniya ay inakusahan ng pagiging corrupt. “Mayroon po diyan, i-nakusahan ng pagsasamsam (sic) ng kaban ng bayan sa pagkatagal-tagal na panahon. Kung totoo ho ang alegasyon at nagnanakaw nga itong taong ito, ano po kaya ang matitira para tustusan ang pagganda ng buhay na
ipinapangako niya?”
Isinunod niya si Sen. Grace Poe na sinabi niyang walang napatunayan. “Mayroon din naman po, nangangakong hihigitan ang lahat ng nagawa natin, at kung mangyari po ‘yan ako na ho ang unang papalakpak. Pero pakinggan nating mabuti na ni minsan hindi niya nasabi kung paano tutuparin ang pa-ngako. Walang konteksto, walang plano, panay batikos at hilaw na pa-ngako. Akala po yata niya, kapag nahalal siya, gigising siya kinabukasan sa isang bagong umaga ng may solusyon na sa lahat ng mga binanggit niyang problema.”
Hindi rin nakaligtas si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa matalas na dila ni Aquino. “May isa naman po, marami raw po tilang papatayin,” dagdag niya.
Pati si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay nakatikim din ng
pagtataray. “Ang isa, dadaanin lang daw basta ang kampanya sa social media. Siguro po, hindi siya mulat na hindi ka makakapagpatayo ng kalsada at makakapagpakain ng nagugutom gamit lang ang Facebook.”
Maging kay Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, na tumatakbo sa pagkabise presidente, ay marami ring sinabi si Aquino. “Ang postura niya, gagawin niya ang tama, pero hindi naman niya maamin ang mga pagkakamaling nagawa sa nakaraan. ‘Di po ba na kung hindi niya sinasabing mali, malamang palagay niya tama ito? Kung palagay niya tama, malamang din po, uulitin niya ang mga pagkakamaling ito.”
****
E kumusta naman ang pambato ni Aquino na ngayon ay nasa hulihan na ng pinakabagong survey ng SWS?
Wala na nga raw da-ting sa masa ay trying hard pa si Mar na magustuhan ng tao kaya nagmumukha tuloy peke at desperado na makakuha ng boto.
Noong 2009 nagtrapik siya sa ulanan sa kasagsagan ng State of the Nation Address. Noong sumunod na taon ay umeksena naman bilang driver ng “padyak” at sumakay pa sa pedicab habang noong 2014 ay kasama siyang nag-
inspeksyon ng warehouse sa Bulacan kung saan ay nagpasikat siya sa pagbubuhat ng isang kaban ng bigas. Hindi pa nakuntento, habang nagsu-survey ng mga lugar na binayo ng bagyong Ruby ay sumakay ng dirt bike ang dating kalihim nang walang helmet. Ang napala niya sa pagpapapogi: semplang sa putikan.
Bully at mainitin din ang ulo ng mister ni Korina Sanchez. At kung may naku-cutean sa pagmumura ni Duterte, turned off naman ang karamihan kapag ginagawa ito ni Mar.
Sa isang kampanya, kuhang-kuha sa video kung paano halos pumutok ang ugat niya sa sentido sa pagmumura kay dating Pangulong Gloria Arroyo sa plano nito na palawigin ang kanyang termino.
Noong 2014, ilang malulutong na mura rin ang pinakawalan ni Mar nang hingan siya ng mga empleyado ng Wack Wack Golf and Country Club ng bayad para sa green fee ng kanyang bisita. Ayon sa mga saksi, sinagot ni Mar ang mga kawani ng “T___ina! Kailan pa nagkaroon ng ganyang rules? “T____ ina! Walang presi-presidente sa akin!” at “T____ ina! Walang bawal-bawal sa akin!”
Caught on video rin kung paano niya dinuro si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez para magbitiw sa puwesto kung gusto ng huli na matulungan ng pamahalaan ang siyudad na sinalanta ng Yolanda.
Kawalan ng gulugod naman ang ipinakita ni Mar nang hindi siya pumiyok nang maetsapwera siya sa operasyon sa Mamasapano ng Special Action Force. Para ano? Para pag-initan ni PNoy, na ang kaibigan si dating PNP chief ang itinuturong responsable sa palpak na operasyon?
Akala ay astig na si Mar nang pagalitan ang mga nagpoprotestang miyembro ng Iglesia ni Cristo dahil naaabala ng mga ito ang motorista sa Edsa, pero nang walang reaksyon kundi katahimikan lang mula sa Malacanang ay nanahimik na rin ito at pinabayaan ang rally.
Dapat lang talagang ikampanya nang todo-todo ni PNoy si Mar.

Read more...