NU’NG Friday pa lang ay nag-text na sa akin si kaibigang Ace ng The Buzz requesting na baka puwede nilang mainterbyu ang controversial mom ni Jake Ejercito na si Laarni Enriquez regarding the issue between Jake and Andi Eigenmann.
Si Kuya Boy Abunda raw ang mag-iinterbyu kay Laarni sakaling pumayag ito.
I called my dear friend Laarni about this but she declined the invitation.
Tama na raw ang lumabas na ang side niya through me – baka raw puwedeng doon na lang sila pumik-ap ng statement.
“Pakisabi kay Kuya Boy na sobra ang respeto ko sa kanya, kaya lang, I’d rather not talk anymore para hindi na lumala ang isyu.
Basta ang sa akin lang, totoo lahat ng sinabi ko sa iyo and that’s it.
Alam ko namang hindi agad matatapos ito dahil magsasalita pa si Andi or ang mommy niya, kaya okay na akong ganito.“My son is in London now, nag-aaral and in a year and a half, hopefully ay matapos na siya.
Iyan ang priority ko, ang mga anak ko.
Pakisabi na lang kay Kuya Boy, pasensiya na talaga,” pakiusap ni Laarni.
I called Kuya Boy last Sunday afternoon para ipasabi ang paghingi ng paumanhin ni Laarni sa kanya.
Okay naman kay Kuya Boy kaya I felt relieved.
Basta sa pagkakaalam ko, The Buzz carried Andi ‘s story that day at maganda naman daw ang kinalabasan, ayon na rin sa mga nakapanood.
Kani-kanyang pagprotekta ang mga magulang sa kanilang mga anak and we don’t want to take that away from them.
Especially moms – normal lang na ipaglaban nila ang kanilang mga supling.
Sa case nina Jaclyn Jose and Laarni Enriquez, kahit hindi pa sang-ayon ang ibang mga tao sa kanilang pamamaraan of protecting their children, we still don’t have an inch of a right para husgahan sila.
“I agree. Pero sana lang, yung totoo lang ang sinasabi – hindi nagdadagdag – hindi nagbabawas.
Iba na kasi pag gumagawa na ng kuwento, doon ako nagagalit.
Pero okay na iyon, nasabi ko na ang gusto ko.
Kung meron pa silang gustong sabihin, it’s their ballgame.
Tahimik ang buhay ko, araw-gabi akong nagtatrabaho para sa mga anak ko at pamilya ko.
“Hindi na nga ako artista dahil matagal na akong wala sa sirkulasyon pero ang respeto ko sa mga artista ay sobrang taas pa rin.
Hindi nabago iyon dahil doon ako nagsimula,” ani Laarni na sobrang bait talaga ever since na nakilala namin siya in the ’80s.
Sa interbyu kay Andi sa The Buzz, iyak daw nang iyak ang dalaga, napakalalim daw ng iyak nito kaya marami rin ang naaawa sa kanya.
Umaasa pa rin daw ang dalaga na sana ay mapatawad siya ng mommy ni Jake at sana ay maging sila pa rin ng binata one day.
Gusto kasi ni Andi na magkita sila ni Laarni para personal siyang hihingi ng kapatawaran sa mga nangyari lalo na sa mga sinabi ng Mommy Jaclyn niya.
Even days before nagsalita si Andi sa The Buzz, sa pagkakaalam ko – sa sinabi ni Laarni sa inyong lingkod, napatawad na niya si Andi, para kay Laarni biktima lang din si Andi ng sitwasyon pero ang tanging ipinakiusap lang naman ni Laarni ay huwag muna silang magkita ngayon.
Maybe soon. And in fairness to Laarni, wala naman siyang sinabing masama about Andi, itinuring naman daw niya itong kapamilya.
Na-hurt lang siya sa mga sinabi ni Jaclyn.
Pero oks na raw iyon dahil nasabi na niya ang side niya.
No more, no less.