P33M nakuha ng retired AFP personnel

lotto for site
Isang retiradong tauhan ng Armed Forces of the Philippines ang nanalo ng P33.4 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola noong Nobyembre 14.
Ang nanalo ay 52-taong gulang, may anim na anak at residente ng Leyte.
Siya ang nag-iisang tumaya sa mga numerong 2-14-15-19-21-31 na kinuha umano niya sa kanyang mga anak.
Kinuha na ng nanalo ang kanyang premyo sa main office ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
May 15 taon na umano siyang tumaya at nagkakahalaga ng P20 ang kanyang itinaya ng manalo.
Plano ng nanalo na bumili ng sariling bahay at lupa. Magtatayo rin siya ng negosyo.

Read more...