Halos P200M jackpot bukas

lotto for site
Halos P200 milyon na ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 bukas.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nanalo sa P184.2 milyong jackpot prize sa bola noong Linggo.
Inaasahang aabot sa P194 milyon ang jackpot prize sa Martes. Ang inilalaki ng premyo ay nakadepende sa dami ng tumataya. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.
Walang tumaya sa mga lumabas na numerong 8-7-17-35-06-20 sa huling bola.
Nanalo naman ng tig-P46,310 ang 47 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P620 naman ang 2,779 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 50,574 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...