Miles biglang gumanda; Julia hinamon sa pagiging bida-kontrabida

miles ocampo

Haping-hapi kami sa anak-anakan naming si Miles Ocampo. Nagbunga na rin ang kanyang paghihintay dahil finally, magbibida na siya sa seryeng And I Love You So, ang bagong drama sa hapon ng ABS-CBN kung saan bibida rin sina Inigo Pascual, Julia Barretto, Dimples Romana at Angel Anquino, with Tonton Gutierrez and Jay Manalo.

Bigla tuloy nag-iba ang glow sa aura ni Miles na noon pa namin kilala bilang mabu-ting bata, masunuring anak, mapagpasensyang artista at magaling na artista mapa-co-medy man o drama. Gumanda at nagkaroon na ng star aura ang dalaga.

Kapag nakakasabay at nakikita namin ito sa aming paboritong Faces & Curves beauty clinic, hindi puwedeng hindi kami magkausap o mag-tsismisan ng mga anik-anik, kasama na ang mga showbiz crushes niya.

Alam naming kering-keri ni Miles ang bagong project kung saan sila nina Inigo at Julia ang magdadala. In fact, hindi kami magtataka kung very soon ay sa kanya na ipareha si Inigo bilang noon pa rin namin napag-uusapan kung paano silang naging close friends since mga eight years old pa lang sila. Ha-hahaha!

Kaya sa mga nagsasabing mas bagay sina Inigo at Julia, take a closer look lalo pa’t mukhang mapapanindigan naman ni Julia ang bida-kontrabida role na ipinagkatiwala sa kanya sa And I Love You

So dahil sa trailer pa lang ng serye ay kitang-kita ang effort ng dalaga na magpakitang-gilas para patunayan sa kanyang bashers na nag-improve na ang akting niya.

Magsisimula na ang latest offering ng Dreamscape Entertainment ngayong Dec. 7 sa ABS-CBN Primetime Bida.

Read more...