Cherry Pie naospital dahil sa back pain, na-touch sa ginawa ni Coco

cherie pie

SOBRANG na-touch ang award-winning actress na si Cherry Pie Picache sa ginawa ni Coco Martin matapos siyang isugod sa ospital kamakailan.

Nakaramdam ng extreme back pain si Cherry Pie noong Huwebes kaya nagdesisyon na siyang magpadala sa ospital. Dahil dito ilang araw din siyang hindi nakapag-taping para sa Primetime Bida series na On The Wings Of Love.

Sa kanyang Instagram account nag-post ang aktres ng litrato ng kanyang kamay na may suwero, nilagyan niya ito ng caption na: “Just this morning, we were celebrating the gift of life of Fr. Jun Jun Silvino Borres with my CBCP- ECPPC family.

“Kuya Rudy Rodolfo Diamante, Kuya Gerry Bernabe, Commissioner Karen Dumpit, & Kuya Ed Instrella Ed among others…Then at 2pm, this…” “To my Boardwalk family.. I’m so sorry, I had to cancel going to our I SHARE launch.”

Agad na nagpadala ng bulaklak ang Dreamscape kay Cherry Pie. Ipinost agad ng aktres ang litrato ng flowers na may caption na: “To my ON THE WINGS OF LOVE Fa-mily, thank you sooo much for the love& understanding!! bed rest till Sunday so I can be back on Monday. #OTWOL.”

Bukod dito, nakatanggap din ang OTWOL star ng bulaklak mula kay Coco na ilang beses na rin niyang nakasama sa mga serye ng ABS-CBN. Anak na ang turing ni Cherry Pie sa Teleserye King.

“Coco anak!! Thank you soo much!!! Sobrang na touch naman ako. This is really so sweet& thoughtful of you to remember, inspite of your really hectic sked. Kaya kita mahal na mahal eh, d ka nakakalimot.

Stay blessed anak!! Take care too, vitamins.. Kilala kita magtrabaho. You truly brightened my day!! I love you anak!” mensahe ni Cherry Pie para sa Ang Probinsyano lead star.

Sabi ni Cherry Pie, kailangan daw niya ng complete bed rest bago muling sumabak sa puyatang trabaho. Inaasahang babalik na ngayong araw sa taping ng OTWOL ang aktres.

Samantala, patuloy na tutukan ang mga susunod na episode ng On The Wings Of Love sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Tutukan ang mas marami pang nakakakilig at nakaka-in love na eksena nina Nadine Lustre at James Reid, at ang unang pagsabak sa aktingan ng dating PBB 737 housemates na sina Bailey May at Ylona Garcia.

 

Read more...