Kalat Na: Jose Manalo Nakabili Ng Nursing Home Sa Amerika

jos manalo

Tinawanan na lang nang buong-ningning ni Jose Manalo ang lumabas na kuwento na kaya siya nagpunta sa Amerika ay dahil may binili siyang nursing home du’n.

Nakakatawa nga naman dahil ganu’n na ba kalaki ang naiipon ng magaling na ko-medyante? Ikalawa ay hindi siya puwedeng magtayo ng anumang klase ng negosyo sa Amerika dahil hindi naman siya citizen ng nasabing bansa.

Ang totoo ay isang dati nang kompromiso ang kinailangang tuparin ni Jose, wala pa ang kalyeserye na mas nagpakinang ng kanyang bituin ay nasagutan na niya ‘yun, dalawang linggo lang na nawala sa bansa ang isa sa mga poste ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Kunsabagay, ang mga ganu’ng klase ng kuwento ay palatandaan lang ng popula-ridad ng isang artista, mas maraming kontrobersiya at isyu ay mas may espasyo ang mga pahayagan para sa kanya.

Hindi natin maitatanggi na nang pansamantalang mawala sa kalyeserye si Jose Manalo ay nag-iba ang timpla ng daloy ng kuwento, iba pa rin ang kumpleto sila, kahit si Wally Bayola ang mawala muna sa sinusubaybayang kalyeserye ay hahanapin din ito.

“Naku, sana nga, e, ganu’n na kalaki ang pera ko, how I wish!” natatawa na lang na komento ni Jose Manalo sa isyu na nakabili siya ng nursing home sa Amerika. Ha! Ha! Ha! Ha!

Read more...