YAYANIGIN ng matinding pagsubok ang batang si Ning-ning (Jana Agoncillo) dahil sa pagsimula ng paglabo ng kanyang mga mata sa top-rating Kapamilya tanghali serye.
Matapos ang mga makukulay at magagandang nangyayari sa buhay ni Ningning, biglang magrereklamo ito sa best friend na si Macmac (John Steven de Guzman) na luma-labo ang paningin niya.
Bigla namang mag-aalala ang tatay ni Ningning na si Dondon (Ketchup Eusebio) sa kalusugan ng anak at magbabalak na ipatingin si Ningning sa doktor.
Hindi nalalayo ang malaking banta sa kalusugan ni Ningning sa buhay ni Ashley, ang batang may bone marrow cancer at epidermolysis bullosa na ginampanan ni Jana noong nakaraang linggo sa Maalaala Mo Kaya.
Dahil sa madamdaming kwento at kahanga-hangang pag-arte ni Jana, muling namayagpag ang MMK, ang longest running drama anthology ng ABS-CBN sa nationwide ratings na nakuha ang pang-apat na pwesto sa listahan ng pinakapinanood na programa sa bansa noong Nob. 28.
Umani din ang kauna-u-nahang MMK episode ni Jana ng rating na 25.7%, ayon sa Kantar Media.
Samantala, nananatili din ang Ningning bilang most-watched weekday morning program sa buong bansa.
Base sa datos ng Kantar Media sa buwan ng Nobyembre, nakakuha ang Ningning ng national TV rating na 15.7% kumpara sa 11.8% ng katapat na programang Princess in the Palace ni Ryzza Mae Dizon sa GMA.
Binigyang parangal din si Jana sa 29th PMPC Star Awards for Television kung saan ay hinirang siya bilang Best New Female TV Personality.
Ang ibang nominado sa kategorya ay sina Loisa Andalio, Maine Mendoza, Mariz Racal, MJ Lastimosa, at Stephanie Yamut. Muli kayang mapabilib ni Jana ang mga manonood na subaybayan ang panibagong hamon sa buhay ni Ningning?
Malalagpasan kaya ng ating munting bida ang pinakamala-king pagsubok sa buhay niya? Huwag bibitaw sa mga kaabang-abang na mga pangyayari sa Ningning, Lunes hanggang Bi-yernes bago mag It’s Showtime, sa ABS-CBN.