Horoscope, December 07, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Wag panghinaan ng loob, kapag laging buo ang loob, makakamit mo ang tagumpay. Sa pag-ibig ituloy ang walang maliw na pagmamahal sa isang Aries. Sa pinansyal, wag titigil hangga’t hindi yumayaman. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Mapalad ang 7, 11, 28, 37, 44, at 49. Red at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Mas mangingibabaw ang paghahangad ng salapi. Kailangang maunawaan ito ng iyong kasuyo upang hindi naman siya magtampo. Ipaliwanag sa kanyang kaya ka nagpapayaman ay para din sa inyong future. Mapalad ang 4, 17, 18, 28, 32, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Karin-Japa-Om.” Black at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Maraming sopresa ang buhay! Pagkatapos ng kalungkutan, ligaya naman ang kasunod, at kahit unti-unti ng nasimot ang salapi, sa darating na mga araw maraming biyaya ang kusang darating. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 34, at 41. Silver at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa pag-ibig kung inilalabas ang tunay mong damdamin mas magiging maligaya ka. Sa pinansyal, kung magpapakatotoo kang lagi mas madali kang uunlad at yayaman. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana.” Lilac at purple ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sa pinansiyal, tiis-tiis lang muna, uunlad at yayaman din kayo pagdating ng araw sa tulong ng isang Capricorn. Sa pag-ibig, hindi dapat pagsungitan ang kasuyo upang hindi na siya muling magtampo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at purple ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Wag kainipan ang pagyaman, kusang darating iyan sa takdang panahong inilaan ng kapalaran. Sa pag-ibig, hindi dapat apurahin ang kasuyo, darating ang panahong bibigay din niya sa iyo ang lahat. Mapalad ang 5, 14, 23, 27, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Slowly but surely!” Lilac at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Ituloy ang ugaling pagtitipid, upang mas lalo mo pang mapalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, pagpasensiyahan ang kasuyong Virgo, dahil pinagpapasensiyahan ka rin naman niya. Mapalad ang 8, 17, 24, 30, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Beige at violet ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—May sopresang naghihitay! Sa pag-ibig muli kayong magkikita ng isang dati ng minahal, nag-aapoy na romansahan ang kasunod. Sa pinansiyal, mas higit sa iyong inaasahan ang darating na pera. Mapalad ang 4, 19, 22, 28, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Ananda-Marga.” Pink at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Kahit mahina ang loob alam mo bang marami ang naniniwala sa iyong kakayahan. Ngayon na ang panahon para ipakita ang iyong ta-lento. Mas mabilis kang papalarin sa pinansyal at pag-ibig, kung magsuot lagi ng red at green. Mapalad ang 1, 7, 20, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shari-Gama-Om.”

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Bagamat likas sayo ang pagiging ma-arte, kailangang magamit ito sa pagkaka-perahan. Sa pag-ibig, dahil sa taglay mong ka-artehan mahuhulog ka na naman sa immoral na relasyon. Supilin ang matinding libido ng kamunduhan. Mapalad ang 1, 13, 22, 34, 40 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Om.” Orange at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pagtulong sa mga nangangailangan mas maraming biyaya ang nakalaan! Sa nalalapit na kapaskuhan lihim kang dumalaw sa mga charitable institutions at magbigay ng konting donasyon. Sa ganyang paraan lalo kang pagpapalain ng tadhana. Mapalad ang 7, 11, 27, 34, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Krato-Om-Joviyo.” Magenta at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Ang nararamdaman mong kakaibang feeling sa isang kaibigan ay mauuwi sa isang tunay na pag-ibig. Sa pinansyal, hindi ka liligaya kung lagi mong itinatago at ipinagdadamot ang iyong pera – matutong mamigay! Mapalad ang 6, 5, 15, 24, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Pink at white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa panahon ngayong maraming gumugulo sa i-yong isipan, si Lord at ang sarili mo lang ang dapat mong pagkatiwalaan upang mapayapa ang buhay. Sa pag-ibig mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Krishna.” Blue at yellow ang buenas.

Read more...