WAGING Miss Earth 2015 ang ating Pinay candidate na si Angelia Ong sa ginanap na grand coronation night nitong Sabado ng gabi sa Marx Halle Vienna, Austria.
Natalo ni Angelia ang 85 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Siya na ang ikatlong Pinay na nakapag-uwi ng Miss Earth crown mula nang magsimula ang nasabing international beauty pageant.
Last year itinanghal ding Miss Earth ang bet nating si Jamie Herrell habang noong 2008 wagi rin ang ating kandidatang si Karla Henry.
Ang iba pang nagwagi sa Miss Earth 2015 ay sina Miss Australia Dayanna Grageda, Miss Earth-Air (first runner-up); Brittany Payne ng USA, Miss Earth-Water (second runner-up); at Thiessa Sickert mula sa Brazil, Miss Earth-Fire (third runner-up).
MOST READ
LATEST STORIES