NAKUMPLETO ng Foton Tornadoes ang kanilang Cinderella finish at patunay din dito ang pagkuha ng championship crown.
Ipinakita ang kanilang todo-bigay at di nagkukumpiyansa na paglalaro, umangat ang Foton mula sa ilalim ng team standings sa elimination round para patumbahin sa kanilang trono ang defending champion Petron kahapon sa pagkubra ng titulo ng 2015 Philippine Superliga Grand Prix.
Nagsanib-puwersa sina Lindsay Stalzer, Katie Messing, Jaja Santiago, Kayla Williams at Angeli Araneta para mauwi ang 25-18, 25-18, 25-17 tagumpay sa Game 3 na ginanap sa dinumog ng tao na Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Naging mala-fairy tale ang naging ratsada ng Tornadoes na nangapa sa kanilang mga bagitong manlalaro sa pagsisimula ang kumperensiya bago nakalusot sa semifinals bilang No. 4 seed team at makausad sa title series bilang isang underdog na koponan.
“We really prayed for it. Thank you Lord,” sabi ni Foton coach Vilet Ponce de Leon. “We gave it our all. It was not easy but all worth it.”
Nakita rin sa championship series ang determinasyon ng Foton na makuha ang titulo.