Para sa may kaarawan ngayon: Habang nakasuot ng kulay na pula malaking halaga ng salapi ang darating. Sa pag-ibig, sa Christmas party darating isang matipunong Aries ang lihim na magkaka-crush sa iyo, isang nakakikilig na relasyon ang biglang mabubuo. Mapalad ang 3, 12, 24, 30, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dabra.” Bukod sa red buenas ang violet.
Aries – (Marso 21-April 19) – Kaiingitan ka ng iyong mga kaibigan, hindi mo kasi sila pinapansin. Sa pinansyal, sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan, maaari mo silang pagkakitaan. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong Leo. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Walang pagsisidlan ang magiging kaligayahan, kahit na may malaking gastusin, malaking halaga naman ng salapi na darating. Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalong kulay “red” siya ang iyong “soul mate”. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” Red at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Mahirap magbago ng career! Ang mas mahalaga, makaipon ng maraming pera, upang magamit sa naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, tuloy pa rin ang relasyon matagal mo nang balak na takasan. Mapalad ang 5, 18, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Om.” Blue at apple green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Maglinis ng mga abubot upang umaliwalas ang tahanan. Alalahaning malapit na ang Pasko at sa Bagong Taon dapat maganda at malinis ang kapaligiran upang maraming grasya at mga biyaya ang dumating pagpasok ng taong 2016. Mapalad ang 7, 16, 34, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Green at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Hindi natatapos ang problema, subalit kusa namang lumilipas. Ituloy mo lang ang nasimulang dagdag na pagkakakitaan, malapit ka ng makaahon sa kahirapan hanggang sa tuloy-tuloy na ring umunlad. Sa pag-ibig, kahit maraming problema busugin ang kasuyo sa romansa. Mapalad ang 1, 10, 19, 34, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Beige at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Mag-concentrate sa iisang gawain lamang. Negosyo at pagkakaperahan ang laging isipin. Sa ganyang paraan mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, ganoon din ang gawin mo, ibuhos ang todong pagmamahal sa pamilya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Silver at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Wag makuntento sa pagtunganga! Kalakal na may kaugnayan sa pagkain ang dapat simulan ngayon papalapit na ang Simbang Gabi. Sa nasabing negosyo uunlad ka at yayaman. Sa pag-ibig, laging magpasalamat sa kabutihang ipinapakita ng kasuyong Aquarius. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Hindi ang panlabas na anyo ang mahalaga kundi ang laman ng puso! Sa pag-ibig, kahit na konti lang ang handa ngayong Pasko basta magkakasama at magkakasalo ang pamilya okey na iyon. Sa pinansyal, panatiliin ang ugaling “bukas-palad” upang lalo pang suwertehin. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla-Om.” Red at black ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Habang panahon pa ngayon ng zodiac sign na Sagittarius, maraming kakaibang suwerte ang darating. Laging magsuot ng kulay na red at blue. Sa pinansyal, tuloy ang pasok at labas ng salapi – matutong magtipid! Sa pag-ibig, sopresa at masasarap na romansa ang mahahagip. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.”
Capricorn – (December 22 – January 19) – Ang kasalukuyang karamdaman ay lilipas din, dala lang ‘yan ng pabago-bagong panahon. Mag-request sa kasuyo ng pagkaing, kulay puti, umuusok ang sabaw at masarap higupin! Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Green at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Wag pag-alinlanganan ang sariling kakayahan. Tiwala sa sarili, ang susi ng pagyaman. Sa pag-ibig, kausapin ang sarili sa harap ng salamin: “Ako ngayon ay may pambihirang kagandahan, maaakit ko ang mabuting kapalaran!” Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Hindi dapat umasa sa kapalaran. Kumilos ng kumilos, upang mahabag sa iyo ang tadhana. Sa pag-ibig, isang batong maliit at isang batong malaki ang pagtabihin sa east corner ng sala ng inyong bahay upang mapanatiling maligaya at masaya ang pamilya. Mapalad ang 1, 7, 19, 28, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Red at black ang buenas.
Horoscope, December 06, 2015
READ NEXT
The Herald’s voice
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...