“Basta po kami tiwala kami sa entry namin na maganda at kakaiba,” sey ni Vhong Navarro during the presscon of “Buy Now Die Later”, isa sa entries sa darating na MMFF.
Bilang pangunahing bida, given na raw yung pressure lalo pa’t malalaking pelikula rin ang makakalaban nila sa filmfest, ‘yung iba ay may kasama pang sikat na loveteams.
“Dito, kami nina Alex (Gonzaga), Rayver (Cruz), Sweet (John Lapus), at Ms. Lotlot (de Leon) and Janine (Gutierrez) ang iniikutan ng kuwento tungkol sa five senses at kung paano itong naging masaya at delikado sa buhay namin.
Ngayon lang ako nakagawa ng ganitong movie at makatrabaho ang mga mas batang direktor. Very refreshing,” paliwanag ni Vhong. Humirit pa ang TV host-actor na kahit medyo nakakalamang sa kanya si Vice Ganda dahil siyempre co-produced ng Star Cinema at Viva Films ang entry nito with Coco Martin, “Dinadaan na lang namin sa para-paraang kantiyawan para ma-plug sa It’s Showtime.
Yun din kasi ang paraan ko para naman makapag-promote araw-araw.” “Tsaka kami ni Vice nagkasabay na rin kami before. Ang nakakatuwa sa amin, mayroon kaming tulungan.
Magkapatid kami at magkasama pa sa trabaho so ang sabi ko suportahan na lang tayo dito sa social media. Ipa-plug namin ang isa’t isa at sa promo mismo ng mga pelikula namin,” chika ng komedyante.
Biro pa ni Vhong, “Gusto ko ibigay ang sisi kapag di kami kumita kay Alex Gonzaga kasi last year siya ang naging lucky charm ni Vice (sa The Amazing Praybeyt Benjamin) kaya kumita ang pelikula nila.”
Sagot naman ni Alex, “Lahat kami dito tulong tulong kami at ang genre namin horror-comedy so sino ba ang nagpasimula ng lahat ng ‘yan si Vhong Navarro kaya bongga ang pelikula namin.”