Walang planong sundan ni Janine Gutierrez ang boyfriend na si Elmo Magalona sa ABS-CBN. Biglang nabuwag ang loveteam ng magdyowa nang magdesisyon si Elmo na layasan ang GMA at lumipat sa Kapamilya network.
Ayon kay Janine nang makachika ng entertainment media sa presscon ng MMFF 2015 entry na “Buy Now Die Later” happy naman siya sa paglipat ng boyfriend sa kabilang istasyon. “I’m happy for him kasi alam ko na how much he wanted to work.
Masaya ako kasi nakikita ko kung gaano siya ka-excited sa mga bago niyang ginagawa. Siyempre, nandito lang naman ako para sumuporta,” chika ni Janine. “Pero siyempre, nalungkot din ako dahil hindi ko na siya makakasama sa teleserye.
But I still hope na eventually, magkakatrabaho pa rin kami. Umiikot-ikot lang naman ‘yan, di ba?” aniya pa.Feeling ba niya, na-hurt din si Elmo sa pagkabuwag ng loveteam nila? “Siguro that makes it easier, kasi girlfriend naman niya ako.
Kahit na hindi kami magkasama sa trabaho, magkikita at magkikita pa rin kami.” May mga nagsasabi na baka sa hiwalayan din mauwi ang relasyon nila ng kanyang dyowa ngayong nasa ABS-CBN na ito, “Grabe! Ako honestly, hindi naman po ako natatakot, kasi work is work.
Hindi naman kami together dahil magkatrabaho kami. “Kasi kung ganu’n, sana kami na nang magsimula yung Villa Quintana, pero hindi naman, e. Siguro nasa amin na yun na kilala ko siya, kilala niya ako.
Wala naman akong nararamdamang takot right now. “I don’t feel any pressure… I’m not worried. Alam ko naman na ang priorities niya talaga ay ‘yung career niya. Masaya lang talaga ako para sa kanya na marami siyang opportunities ngayon, ganado siya sa trabaho at ginagawa niya.
I think he’ll really be successful there,” pahayag pa ng anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.
Hirit pa ni Janine napi-feel naman daw niya ang presence ni Elmo kahit hindi sila madalas magkasama, “Supportive naman po siya sa akin noong nagsisimula ako sa serye namin sa GMA na Dangwa.
Siyempre susuportahan ko rin siya sa bago niyang project.” At sa tanong ng press kung may plano rin ba siyang lumipat ng ABS-CBN, “Masaya po ako sa GMA. Masaya naman ako sa ginagawa ko sa GMA, at saka talagang inaalagaan naman po ako ng GMA.”