Alden kay Yaya: Alam mo naman kung ano ang laman ng puso ko!

alden richards

Sa Enchanted Kingdom nag-date sina Alden Richards at Maine Mendoza alyas Yaya Dub kahapon bilang bahagi pa rin ng kalyeserye ng Eat Bulaga. Ito ang kauna-unahang date ng AlDub na walang bantay.

Tulad ng inaasahan, biglang nagkagulo sa paligid ng Enchanted Kingdom nang bumulaga sa mga taong naroon sina Alden at Yaya Dub kaya naman todo-bantay ang mga marshall at security guard sa lugar para hindi masaktan ang dalawa.

Super nag-enjoy ang dalawa sa mga rides doon. Una nilang sinubukan ang carousel na sinundan ng bump cars kung saan nagulat ang mga nakasabay nila sa ride. Huli nilang sinakyan ang Ekstreme Tower kung saan napaiyak si Yaya Dub sa sobrang takot.

At para pakalmahin ang dalaga, niyakap siya ni Alden na ikinakilig ng mga viewers at ng mga taong nasa Enchanted Kingdom.Bago magtapos ang kalyeserye, inilibas ni Alden ang itinatago niyang singsing at ibinigay kay Yaya, “Kahit anong sabihin nila, ikaw at ako, sabay tayo sa paglalakbay.”

“Gusto ko ikaw ang magtago nito. Mula pa ito sa mga lola mo. Alam mo naman ang laman ng puso ko. Handa akong maghintay sa panahong handa ka na,” pagpapatuloy ng binata.

Dugtong pa nito, “Sabi sa diary, kung sino man ang makakakuha muli nito, nararapat na ibigay mo ito sa taong nagpapatibok ng puso mo…sa taong gusto mong makasama habang buhay.”

“‘Yung taong gusto mong makasama habang buhay, yung taong gusto mong pag-alayan ng pag-ibig na wagas. At handang alayan ng walang katapusang pag-ibig. Iningatan ko ito para pareho nating hintayin ang takdang panahon,” emosyonal pang pahayag ni Alden.

Ang promise naman ni Yaya Dub, “Iingatan ko ito bilang paalaala na pareho nating ihahanda ang sarili natin sa bagong kabanata.” Ngunit bago pa uli makapagsalita si Maine biglang umapir si Dora at sinabing may nangyari na naman kay Lola Nidora (Wally Bayola).

Dito na narinig ang mahiwagang buzzer. May masama kayang nangyari kay Lola Nidora? Abangan sa Lunes.

Read more...