Jose problemado kaya nag-soul searching sa US

jose manalao

Mabuti na lang at nagbalik na si Jose Manalo sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Para kasing naumay na ang ilang viewers ng noontime show ng GMA sa kalyeserye nina Alden Richards at Maine Mendoza o ng AlDub at kung hindi nga nila masu-sustain ang ibang anggulo ng kanilang segment sa Eat Bulaga ay baka tuluyan na silang iwan ng mga manonood.

Iba pa rin kasi ang hatak ng mga regular sa show gaya ni Jose na kering-keri sumalo ng mga sitwasyon ng kalyeserye. Galing daw sa USA si Jose at sandaling nag-enjoy on a solo raket at bakasyon na rin.

May tsismis pang nag-soul searching ang komedyante at nagmuni-muni tungkol sa ilang detalye sa kanyang personal na buhay. Good thing bumalik na siya dahil siya lang talaga yung may ibang atake na nakapagpapalabas nang higit na husay nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros, pati na rin ng AlDub.

Well, we got reports na unti-unti nang nakakabawi ang It’s Showtime sa tulong ng tambalang ToMiho (na siguro naman ay kilala na ngayon ni Kris Aquino. Ha-hahaha!), idagdag pa ang mga guwapong members ng all-male group na Hashtags.

Although malayo pa raw ang lamang ng EB, hindi na raw ito gaya ng dati na araw-araw pinakakain ng alikabok sa ratings at following.

Kaya naman unti-unti na namang nabubuhay ang matinding labanan sa pagitan ng dalawang noontime shows. Tingnan na lang natin kung muling mag-number one sa ratings game ang Showtime with their new segments.

Read more...