Ito ang ibinalita ng isang Gladi Echavarre sa kanyang Twitter account recently.
More than a year and a half ding hindi nagkibuan sina Willie at John nang sumama ang loob nang una.
Last year ay sinabi ni Willie on air sa kanyang programa na masama ang kanyang loob sa kaibigang sina John at Randy Santiago nang tanggapin nito ang offer na noontime show ng Dos samantalang nakikipag-negotiate na siya sa Singko para sa paglipat ng dalawang actor-hosts.
Tumawag pa si John para makipag-usap kay Willie pero wala ring nangyari.
Nasabi pa nga ni Willie na magsaulian na sila ng kandila ni John.At nang mag-celebrate ng 50th birthday si Willie ay hindi umapir sa party niya sina John at Randy.
Teka, hindi kaya nangyari ang pagbabati ng dalawa sa burol ng father ni John na si Vicente Vasquez Estrada?
Well, kung totoo ngang nagkabati na ang dalawa and they’ve let bygones be bygones ay mabuti naman.
After all, they’re the best of friends before.