DIRETSONG inamin ni Vhong Navarro na talagang napakalaki ng epekto sa noontime program nilang It’s Showtime sa ABS-CBN ang biglang pagsikat nina Alden Richards at Maine Mendoza alyas Yaya Dub.
Mula kasi ng pumatok ang kalyeserye ng Eat Bulaga ng AlDub, unti-unting bu-maba ang rating ng Showtime na kinabibilangan ni Vhong, umabot pa nga raw sa single digit ang nakukuha nilang numero sa mga TV survey.
Sa ginanap na grand presscon ng pelikulang “Buy Now Die Later”, isa sa official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival under Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Productions at Buchi Boy Films, sinabi ni Vhong na tanggap nila ang pagiging phenomenal ng AlDub at ang pagkatalo nila sa kalabang noontime show.
“Oo, naman. Hindi naman natin ikakaila yun. Sabi ko nga, kumbaga, that time, ang Eat Bulaga parang gumanu’n (taas-baba ng rating) sila, kami rin nararamdaman din namin ngayon yun.
“So far, may nagsabi rin kanina na unti-unti na kaming bumabalik, marami pong salamat. Dahil bumabalik sila ulit para panoorin kami,” paliwanag ng komedyante na gumaganap na isang photo journalist sa horror-comedy movie na “Die Now Pay Later”.
Natanong si Vhong kung ano ang na-feel nila nang bumaba na ang rating nila dahil sa pagsikat nina Alden at Maine? “Natatawa ako kasi para kaming hindi naapektuhan. Dapat kasi, sabi nga namin, ‘Panghawakan natin yung sinabi natin sa mga tao na paliligayahin natin sila kahit anong mangyari.’
“Kaya sabi nga namin, kahit isang tao lang nanonood sa atin, hindi tayo bibitaw. Kasi may nanonood pa rin sa atin, na meron pa ring nagbabayad ng kuryente, na nagbibigay ng oras para panoorin tayo, bakit naman tayo hindi kikilos?
“Meron pa ring isang nanonood, ibigay natin, magpasaya pa rin tayo,” esplika ni Vhong. May chikang hanggang February, 2016 na lang ang Showtime sa ABS-CBN at balitang papalitan ito ng solo show ni Vice Ganda pero hindi raw pumayag ang gay comedian na siya lang ang may show at matsutsugi ang iba niyang kasamahan.
Reaksiyon ni Vhong, “Yun nga kanina, may narinig akong nagsabi na hanggang February (na lang ang show). Sabi ko, ‘Ako, hindi ko pa na-rinig na hanggang February na lang. “Siguro naman, kung may isyung ganu’n, ipapaabot sa amin para naman naka-ready kami or ano pa ang puwede naming ibigay pa.
Basta sabi ko nga, kung anuman yung dumating, kung anuman yung magiging desisyon ng management, hindi na natin kontrolado yun. “Basta kami, hanggang nandito ang It’s Showtime, magbibigay kami ng saya sa kanilang lahat,” paliwanag pa ng TV host-comedian.
May tsismis din na kung hindi tsutsugihin ang kanilang show, balak ng management na mag-reformat sa 2016, “Parang may dinadagdag lang, hindi ko alam yung pagri-reformat. Sana kung mag-reformat man, sana kasama pa rin ako,” hirit pa ni Vhong.
Samantala, makakasama rin sa MMFF entry na “Buy Now Die Later” sina Janine Gutierrez, Alex Gonzaga, Rayver Cruz, John Lapus, Lotlot de Leon, Jason Gainza, Markki Stroem, Cai Cortez at TJ Trinidad sa direksiyon ni Randolph Longjas.
Napanood na namin ang trailer ng movie at mukhang kakaibang horror film ito na tatalakay sa iba’t ibang senses ng tao. May limang taong makikipagkasundo sa negosyanteng si Santi (TJ) na nagmamay-ari ng isang curio shop kung saan mabibili ang ilang mga misteryosong bagay na magbibigay-katuparan sa pinapangarap ng isang tao.
Lingid sa kaalaman ng mga makikipagkasundo kay Santi, may dalang sumpa ang kanyang mga ibinebenta na posibleng maging dahilan ng kanilang kamatayan. Limang madudugo at nakakadiring kuwento na may kaunting komedya ang mapapanood sa “Buy Now Die La-ter” na tiyak na magbibigay twist sa pagse-celebrate n’yo ng Pasko! At tulad nga ng sinabi ni Vhong, sa tagal niyang nabakante sa pelikula, ngayon lang siya uli nag-enjoy sa paggawa ng horror movie kung saan medyo seryoso ang kanyang atake.
Excited din kaming mapanood for the first time ang Kapuso leading lady na si Janine Gutierrez sa pelikula kung saan gaganap siyang batang Lotlot de Leon. “Dream come true ito for me dahil matagal ko na talagang gustong makaeksena sa movie si mommy.
Happy lang yung experience. Siyempre, may may advice siyang binigay sa akin while doing this film, alam naman nating lahat na magaling si mommy sa horror movies dahil napakarami na niyang nagawang horror in the past. This is really a wonderful experience,” sey ni Janine.
Tungkol naman sa boyfriend niyang si Elmo Magalona, suportado raw ni Janine ang naging desisyon nitong lumipat sa ABS-CBN. Ipinagdarasal daw niya ang tagumpay ni Elmo sa bawat proyektong gagawin nito sa Kapa-milya network.