PINANGALANAN na ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pari na umano’y nagmolestiya sa kanya at iba pang mga binatilyong high school na nag-aaral sa Ateneo de Davao University (AdDU), na pinapatakbo ng mga Jesuit.
Kinilala ni Duterte ang pari na ang yumaong si Fr. Paul Falvey, S.J., isa sa Jesuit na pari mula sa AdDU nang siya ay first year high school.
“It happened during our generation, two years ahead of us and two years following us,” sabi ni Duterte.
“It cost him some P25 million because other victims filed a case, it was a case of fondling—you know what—he did during confession, that’s how we lost our innocence early,” dagdag ni Duterte.
Iginiit ni Duterte na hindi siya nagsampa ng kaso dahil sa murang edad at dahil takot siya noon.
“It was a sort of sexual awakening for each of us. We realized quite early that ganun talaga ang buhay. Paano magreklamo. Takot kami,” giit ni Duterte.
Aniya, 14-na-taong gulang lamang siya ng mga panahong siya ay molestiyahin.
“I was only 14 or 15, I am now 70 years old. How do you suppose I should file a case?” paliwanag pa ni Duterte.
Samantala, binatikos naman ng Gabriela Davao si Duterte sa pagyayabang kaugnay ng kanyang pagiging babaero.
“We never hesitated to criticize the mayor in the past for his sexist campaign sorties. We remind him again and appeal to him to stop hurting women in this presidential race,” sabi ni Dr. Jean Lindo, chair ng Gabriela Southern Mindanao.
“He does not have to resort to sexism to gain popularity in the poll. He does not have to use expletives like ‘P.I. mo’ in public for his messages are clear and distinct, ” ayon pa kay Lindo.