Non-stop bus gagala sa Edsa

NANINIWALA ang PNP Highway Patrol Grouo na ang pagkakaroon ng mga “premium bus” na bibiyahe sa kahabaan ng Edsa ang nakikita nitong isang solusyon sa matinding daloy ng trapiko sa nasabing lansangan.

Sa paliwanag ni HPG Spokesperson Supt. Grace Tamayo, ang mga premium bus ay bibiyahe nang walang hintuan mula sa EDSA-North Ave. sa Quezon City hanggang sa EDSA-Ayala sa Makati.

Sa oras aniyang ito’y maipatupad, pupuwesto ang mga premium bus sa SM North EDSA at Ayala Ave.

Maari lamang ito magsakay at magbaba sa dalawang terminal na nabanggit.

Sakaling maipatupad, umaasa ang HPG na maeengganyo ang mga motorista na huwag nang magdala ng sasakyan at sumakay na lamang sa premium bus.

Kanila na aniyang iminungkahi sa mga bus operators na kung maari ay gawin ng mga itong ‘premium bus’ ang kahit isa sa kanilang mga bus na ibinabyahe sa EDSA.

Sa oras aniyang ito’y maipatupad, pupuwesto ang mga premium bus sa sa SM North EDSA at Ayala Ave.

 

Read more...