TOTOO sa Malacanang ang kasabihang kapag wala ang pusa, naglalaro ang daga.
Ilang araw na ngayong missing in action ang isang Cabinet member na napaka-importante pa naman ng pwesto sa pamahalaan.
Mula pa noong Asia Pacific Economic Coo-peration (Apec) summit na nangyari kalagitnaan ng Nobyembre, ay naging mailap na ang nasabing opisyal sa mga miyembro ng media.
Ngayon namang nasa European tour si Pangulong Noynoy ay hindi pa rin nagpapakita ang opisyal sa kanyang opisina.
Dedma kung dedma ang Malacanang official na ito dahil kahit sa mga tawag at mga text messages ay hindi nito pinapansin. Walang paki ang opisyal na ito na minsan na ring naakusahan na nasa likod ng black ope-rations para sa mga ka-labang kandidato ni Mar Roxas.
Maraming mga isyung kailangan sagutin ang kanyang opisina pero hindi nya ito nagagawa dahil lagi siyang wala.
Sinabi ng ating Cricket na abala si Mr. Secretary sa kanyang mga proyekto sa labas ng Palasyo kabilang na ang pagiging power broker para sa ilang gustong magnegosyo sa pamahalaan.
Siya rin ay suma-sideline bilang “troll” na bumabanat sa ibang mga presidential wannabe pero pikon na pikon naman kapag siya na ang subject ng usapan.
Minsan na rin siyang natsismis sa isang Girl na Cabinet member rin na madalas niyang kasama sa ilang mga alanganing lugar.
Ngayong patapos na ang termino ng Pangulong Noynoy, tulad nang inaasahan ay pumuposisyon na rin siya sa kandidato ng administrasyon.
Tunay nga siguro ang kasabihan na nakaka-adik ang kapangyarihan kaya naman todo ang kanyang pagtatanggol sa mga kapartido ng pa-ngulo.
Ang Cabinet Secretary na hindi na halos nagpapakita sa kanyang office dahil busy sa mga extra curricular activities ay si Sec. E ….as in Ewan.