MAUUNA nga ba ang “honeymoon” nina Angel Locsin at Luis Manzano bago ang kasal? Nakatakdang magbakasyon ang magdyowa sa Las Vegas, USA ngayong December at napabalita ngang doon nila balak magpakasal.
Pero ipinagdiinan ni Luis sa isang panayam na walang kasalang magaganap sa Las Vegas dahil pupunta sila roon ng Kapamilya actress para manood ng Ultimate Fighting Championship match. At kung may time pa raw pupunta rin sila ng Cuba.
Totoong napag-uusapan na nila ng seryosohan ni Angel ang kasal pero aniya, “Wala pang date. I mean the thought is there but in terms of fixing something up already she would know first. If there’s anything about settling down Angel would know first.”
Ayon pa kay Luis, mas gusto raw nila ni Angel ang simple and intimate wedding.