DJ Mo pinagmumura si Duterte; binuhay ang ‘hipon’ isyu ni Ramon Bautista

MO TWISTER

MO TWISTER


MATAPANG na binatikos ni Mo Twister si presidentiable Rodrigo Duterte who received flak for his cursing of Pope Francis.
“Ha! Same guy who lectured about ‘sensitivity when u speak’ when a comedian said the hipon joke in Davao. Boolsh**t!”
“Wow. Already denying he cursed out the Pope when everyone heard it. Perfectly politician. Go fu***k yourself.”
‘Yan ang matatapang na pahayag ni Mo sa kanyang Twitter account. He was referring to comedian Ramon Bautista who made the mistake of joking at the expense of the women of Davao whom he called hipon.
The joke irked Rodrigo Duterte’s son, Vice Mayor Paolo Duterte who asked Ramon to publicly apologize for the joke which he did.Duterte’s daughter Sarah lambasted Ramon on her Facebook account and asked the city council to declare him persona non grata.
Si Duterte naman ay sinabing dapat magkaroon ng sense and sensibility si Ramon. Over a joke ay pina-declare na persona non grata si Ramon, pero bakit walang nag-propose na i-declare na persona non grata si Duterte over his cursing at the Pope?
At bakit wala yatang statement ang magkapatid sa binitiwang salita ng kanilang ama sa Santo Papa? Nilektyuran pa raw ni Paolo Duterte si Ramon backstage on how to respect women. Si Ramon, right there and then ay kaagad na nag-apologize.
And what about Duterte? Did he immediately apologize? Hindi naman, ‘di ba? O, nag-lecture ba si Paolo sa kanyang ama on how to respect the Pope? Ano ba ang mas matinding kabastusan, ang hipon joke o ang pagmumura sa Santo Papa?
Nagpaliwanag naman si Duterte na hindi niya minura ang Santo Papa, that he was just exasperated over the matinding trapik noong mga oras na iyon.

Read more...