Globalport Batang Pier pasok na sa quarterfinals

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. Barako Bull vs Talk ‘N Text
7 p.m. Meralco vs Alaska

UMISKOR si Terrence Romeo ng 29 puntos habang si Stanley Pringle ay nag-ambag ng 27 puntos para pangunahan ang Globalport Batang Pier sa 96-90 pagwawagi laban sa NLEX Road Warriors sa kanilang 2015-16 Smart Bro-PBA Philippine Cup elimination round game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Naghulog ni Pringle ng siyam na puntos sa ikatlong yugto habang si Romeo ay may walo sa second half kung saan napigilan ng Batang Pier ang pagtatangkang makabangon ng Road Warriors mula sa 18 puntos para manatili sa itaas na bahagi ng team standings sa kartang 5-3 at tuluyang makapasok sa quarterfinals.

Nalasap naman ng  Road Warriors ang ikalawang sunod na pagkatalo para mahulog sa 4-4 kartada at nasa must-win na sitwasyon sila sa huling tatlong laro para makubra ang mahalagang twice-to-beat na bentahe sa unang round ng playoffs.

Gumawa naman si Paul Asi Taulava ng 29 puntos, 12 rebounds at apat na assists para pamunuan ang Road Warriors habang sinuportahan siya ni Sean Anthony na nag-ambag ng 17 puntos at 12 rebounds.

Read more...