Benjamin ilang taon nang walang girlfriend; mag-iikot sa mga iskul

benjamin alves

HANGGANG ngayon ay wala pa ring lovelife ang Kapuso hunk actor na si Benjamin Alves. Mukhang wala pa talaga sa priorities ng binata ang magkaroon ng girlfriend.

Kahapon, nakausap namin si Benjamin sa pocket presscon ng GMA para sa taunang GMA Network Excellence Award, siya ang napili ng network para maging ambassador this year ng nasabing proyekto na ginampanan naman last year ni Dingdong Dantes.

Ayon kay Benjamin, matagal-tagal na rin siyang single pero no regrets naman daw dahil lagi naman siyang busy sa dami ng proyektong ginagawa niya ngayon. Katatapos lang ng GMA Telebabad series nilang Beautiful Strangers at may mga out-of-town shows pa siya para sa Kapuso caravan.

“Wala pa talaga, e. Siguro dahil hindi ko pa talaga siyang pinagtutuunan ng enough time and effort. I don’t know, but I always believe that the right time will come. So, now, habang wala pa, just concentrate on what you have, sa career and other equally important things,” pahayag ni Benjamin.

Tulad nga nitong pagkuha sa kanya bilang ambassador ng GMA Network Excellence Award na pormal nang binuksan para sa academic year 2015-2016. Ito’y isang natatanging award giving body mula sa Kapuso Network CSR Program.

Dito mabibigyang parangal ang mga katangi-tanging graduating students na nagpakita ng kakaibang galing sa leadership, academic performance at social responsibility. Ayon kay Benjamin, naniniwala siya na isa sa mga nakatulong para maging bahagi siya ng ganitong uri ng programa ay ang kanyang credential bilang college graduate with honors.

Para sa hindi pa nakakaalam, summa cum laude ang binata sa University of Guam kung saan niya tinapos ang kursong BA in English with Literature Emphasis sa loob lang ng dalawa’t kalahating taon.

Bukod sa pag-iikot sa mga university sa iba’t ibang bahagi ng bansa para ipaalam ang magandang adhikain ng GMA Network Excellence Award, magiging bahagi rin si Benjamin ng screening committee na siyang pipili ng mga estudyante na karapat-dapat mabigyan ng parangal.

Biro naman ng binata, baka raw sa pag-iikot niya sa mga school ay doon pa siya makakita ng magiging girlfriend. Kapartner ang YesPinoy Foundation, Airfreight 2100, Inc., University of the Philippines-Diliman College of Mass Communication, Don Bosco Technical College at Angeles University Foundation, ang nationwide awarding na ito ay bukas para sa lahat ng Filipino graduating students ng kursong Mass Communication, Multi-media Arts, Advertising at iba pang kaugnay na kurso tulad ng Electronics and Communication Engineering.

Fourteen years na nagbibigay ng parangal ang GMA at sa ngayon umaabot na sa 39 ang mga nakatanggap ng kanilang parangal at ilan sa mga finalists at awardees ay nabigyan ng malalaking opportunidad sa mundo ng media.

Para sa karagdagang kaalaman sa GMA Network Excellence Award mag email lamang kay Ms. Unis Loleng, Manager, Corporate Relations sa UMloleng@gmanetwork.com.

Read more...